-- Advertisements --

Mabebenipisyuhan ang mga lokal na magsasaka at livestock workers mula sa sustainable corn development program na ilulunsad ng Department of Agriculture (DA) ngayong taon bilang bahagi ng food security commitment ng gobyerno.

Layunin ng programang ito na makapagdevelop ng yellow corn varieties para suportahan ang mga magsasaka at abot kayang varieties ng animal feeds.

Sa adhikaing matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa, target ng DA na magpatupad ng production development plan para sa industriya ng mais sa bansa na magbebenipisyo sa mga livestock, poultry at dairy sector.

Papalakasin din ng programa ang development ng yellow corn varieties at papalaguhin ang mga maaning mais ng lima hanggang anim na tonelada kada ektarya at may mayamang protein content.

Layunin din ng programa na matiyak na may suplay ng de kalidad na breeder seeds para sa certified seed production ng mga seed growers.

Pagbubunyag pa ng DA na ang inisyatibong ito ay isasagawa ng Regional Field Office Cagayan Valley sa pakikipagugnayan sa National Corn Program, Bureau of Agricultural Research at agricultural training institute na siyang magdedevelop ng open-pollinated white coen varieties para sa food staple at food processing.